
Blood Donation Drive
Ngayong araw, Hulyo 10, 2025, matagumpay na isinagawa ang Blood Donation Drive. Ang makabuluhang aktibidad na ito ay proyekto ng Quezon City Health Department, sa pakikipagtulungan ng Kamuning Super Health Center at Quezon City General Hospital (QCGH).
Lubos ang pasasalamat ng Barangay Kamuning sa lahat ng medical personnel na naging katuwang sa maayos na pag-facilitate ng blood donation. Taos-puso rin ang pasasalamat sa mga residente na boluntaryong nagpaabot ng kanilang suporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng dugo upang makatulong sa mga nangangailangan.
Marami pong salamat