
Oathtaking of Barangay Kamuning Childrens with Disabilities (BK-CWD) Officers
Pinangunahan ni Punong Barangay Armida F. Castel ang oathtaking ng mga bagong halal na opisyales ng Barangay Kamuning Children with Disabilities (BK-CWD) ngayung araw ng linggo, August 17, 2025. Para mas lalong pagtibayin ang kanilang organization, binigyan din ng Certificate of Accreditation ang kanilang samahan. Naging saksi sa kanilang oathtaking ang Pres. ng Samahan ng PWD na si Mr. Antonio Magpantay.
Matapus ang kanilang oathtaking nagbigay mensahe si PB. Castel na sa mga programang kanilang gagawin kailangan unahin lagi ang kapakanan ng mga children with special needs. Kailangan din ng tamang konsultasyon at participation ng mga members ng CWD’s lalo na ang kanilang mga magulang.
Sa Barangay Kamuning, binibigyang-pagpapahalaga natin ang bawat organisasyon. Naniniwala tayo na anumang programa o proyekto, gaano man ito kaganda, ay hindi magiging ganap na matagumpay kung wala ang partisipasyon at pakikiisa ng bawat isa. Ang pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng lahat ng organisasyon ang tunay na susi sa tagumpay ng ating barangay.