
Public Private Partnership
Isinagawa ang
isang consultative meeting sa pangunguna ni Punong Barangay Armida F. Castel
katuwang ang kinatawan mula sa St Paul University QC na sina Sr Victoria
Bughao, Sr. Shiela Frances D. Felipe at si Mam Maribel Andrade. Kabilang sa mga
dumalo ang mga kinatawan mula sa sektor ng senior citizens, persons with
disabilities (PWDs), solo parents, kabataan represented by SK Chair. Vince
Vicentuan at mga environmental advocates gaya ng grupong Kilos Luntiang
Kamuning (KLK).
Tinalakay sa
pagpupulong ang iba’t ibang programa batay sa pangangailangan at kalagayan ng
bawat sektor. Nagbahagi ang bawat grupo ng
kanilang mga suhestiyon, pananaw, at mga programang nais maisakatuparan para sa
kapakanan ng kanilang sektor.
Ang naturang
aktibidad ay isang hakbangin tungo sa mas matibay na kolaborasyon sa pagitan ng
akademya, lokal na pamahalaan, at komunidad—isang mahalagang pagkilos upang
masiguro na ang mga programang ipapatupad ay tunay na tumutugon sa
pangangailangan ng bawat mamamayan.
Salamat SPUQC sa pagpili sa Barangay Kamuning upang inyong maging katuwang sa mga makabuluhang programang na makakatulong sa aming komunidad.