Barangay Kamuning

Rampa para sa Kalikasan – “Basura Mo, Bihis Ko”

First ever competition na nagbibigay pagpapahalaga sa ating Inang Kalikasan. Sa pangunguna ng Barangay Kamuning Council headed by Punong Barangay Armida F. Castel matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang “Rampa para sa Kalikasan – Basura Mo Bihis Ko” noong June 29, 2025, kasabay ng ating fiesta parade.Bilang bahagi ng adbokasiya ng barangay sa pangangalaga ng kalikasan at pagsusulong ng malikhaing paraan ng waste management.

Layunin ng aktibidad na ipakita ang kahalagahan ng tamang paggamit at pagre-recycle ng basura sa pamamagitan ng isang fashion competition kung saan ang mga kalahok ay nagdisenyo at nagsuot ng mga kasuotan na gawa mula sa recyclable materials gaya ng plastik, sako, karton, tarpualine, fruits cover, plastic spoon & fork, sando bag, lumang magazines, sachet at iba pang recycled waste.

Walong (😎 kalahok mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad ang lumahok sa patimpalak, taglay ang kani-kanilang gawang kasuotang nagpapakita ng kanilang disenyong eco-friendly, malikhaing pag-iisip, at pagmamalasakit sa kapaligiran. Bawat rampa ay naging simbolo ng kahalagahan ng pagiging responsable sa ating basura at patunay na may ganda sa likod ng basura kung ito ay gagamitin sa tama at malikhaing paraan. Naki rampa din sina PB. Armida Castel, Kgd. Ayrin Encomienda at ilang Barangay Staff na nagsuot din ng kani kanilang recycled gowns.

Ang mga kalahok ay binigyan ng pagkilala at mga gantimpala bilang suporta at papuri sa kanilang kontribusyon sa layuning pangkalikasan ng barangay.

Ang “Basura Mo Bihis Ko” ay patunay ng patuloy na inisyatibo ng Barangay Kamuning sa pagsasagawa ng mga programang nakatutok sa environmental awareness at sustainable practices. Inaasahan na mas marami pang makilahok sa susunod na taon habang patuloy nating isinusulong ang kalinisan at kaayusan sa ating komunidad.

Congratulations sa lahat ng mga nag silahok.