
MOA Signing Between Barangay Kamuning and St. Paul University, Q.C.
Isang makabuluhang araw ang Memorandum of Agreement (MOA) signing sa pagitan ang Barangay Kamuning represented by Punong Barangay Armida F. Castel at ng St. Paul University, Q.C. represented by their University President Sr. Lilia Therese Tolentino, SPC.
Layunin ng kasunduang ito na magtatag ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng pamahalaang barangay at institusyong pang-edukasyon upang mas mapalawak ang mga programang nakatuon sa iba’t ibang sektor ng komunidad gaya ng kabataan, senior citizens, persons with disabilities (PWDs), solo parents, at mga adbokasiya para sa kalikasan.
Sa pamamagitan ng MOA, magkakaroon ng magkatuwang na mga aktibidad, pagsasanay, at proyektong makakatulong sa pagpapaunlad ng kaalaman, kasanayan, at kabuhayan ng mga residente ng ating Barangay.
Ayon kay PB Castel, “Ang kasunduang ito ay patunay na kapag nagkaisa ang pamahalaan at mga institusyon, mas mabili nating maaabot ang ating pangarap para sa mas maunlad at mapagkalingang komunidad.”
Naging saksi din sa MOA signing sina Sr. Victoria Bughao, SPC – CDAD Head: Social Worker, Sr. Shiela Frances D. Felipe, Vice Pres for Christian Formation, Kgd. Ayrene Encomienda, Kgd. Armando Ray Fajardo & Kgd. Ronald Perido at ang ibat ibang department heads ng SPUQC.