
Barangay Ecological Solid Waste Management Council in Action.
Nagsagawa tayo sa ating barangay kasama si P/B Armie F. Castel ng Environmental Awareness Forum bilang paghahanda sa buwan ng Septyembre kung saan gugunitain ang Maritime and Archepelagic Nation Awareness Month (MANAMo).
Tinalakay sa forum ang pagtaas ng kamalayan ng mga tao tungkol sa pangangalaga ng ating kalikasan at mga solusyon sa pagdami ng mga basura sa ating lipunan at ito’y dinaluhan ng mga iba’t-ibang community leaders ng ating barangay.
Kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at sa tulong ng mga masisipag ng purok leaders at mga kaibigan ay naisagawa natin ng matagumpay ang environmental forum. Gayun din nman ang aming pasasalamat sa ating mga kaibigan na nag sponsor ng mga pack lunch para sa ating mga participants at service team.
Maraming salamat din sa KA Muning’s Halo-Halo Café & Restaurant sa pagbibigay ng bigas sa mga nagsipagdalo.
Maraming salamat po at mabuhay po kayong lahat!