
Lupon Seminar 2025
Pagsasabay sa
Mediation Techniques para sa Lupon Tagapamayapa ng Barangay Kamuning.
Isinagawa ang
isang makabuluhang pagsasanay para sa mga kasapi ng Lupon Tagapamayapa ng
Barangay Kamuning ukol sa epektibong mediation techniques, katuwang ang ating
resource speaker na si Ms. Ray Quitlong, isang eksperto sa larangan ng
Alternative Dispute Resolution (ADR).
Layunin ng
pagsasanay na ito na higit pang paunlarin ang kakayahan ng mga miyembro ng
lupon sa pagresolba ng mga alitan sa komunidad sa paraang mapayapa, makatao, at
patas. Tinalakay ni Ms. Quitlong ang mga pangunahing teknik sa epektibong
pakikipagdayalogo, aktibong pakikinig, pag-unawa sa magkabilang panig, at
tamang pagbibigay ng resolusyon nang hindi kinakailangang umabot sa korte.
Lubos ang
pasasalamat ng Barangay Kamuning kay Ms. Ray Quitlong sa pagbabahagi ng kanyang
kaalaman at karanasan. Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, mas pinalakas ang
kakayahan ng Lupon Tagapamayapa sa pagtugon sa mga isyu ng komunidad nang
maayos at epektibo.