
Muling Paglalaan ng Pondo para sa Serbisyong Medikal sa ilalim n Barangay Medical Assistance Program (BMAP)
Sa pangunguna ni Punong Barangay Armida F. Castel at Sangguniang Barangay, muling naglaan ng pondo para sa ating mga partner na hospitals gaya ng Phil Heart Center & National Kidney Hospital upang matiyak ang pagpapatuloy ng libreng serbisyong medikal para sa mga residente ng Barangay Kamuning.
Ang hakbang na ito ay patunay ng patuloy na malasakit ng pamunuan sa kalusugan ng bawat residente ng ating Barangay — mula sa konsultasyon, laboratoryo,gamot, hospital bills at iba pa. Dahil sa suporta at tamang pondo, masisiguro nating tuloy-tuloy ang maaasahang serbisyong pangkalusugan para sa ating Barangay.