Barangay Kamuning

Public Private Partnership

Isinagawa ang isang consultative meeting sa pangunguna ni Punong Barangay Armida F. Castel katuwang ang kinatawan mula sa St Paul University QC na sina Sr Victoria Bughao, Sr. Shiela Frances D. Felipe at si Mam Maribel Andrade. Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan mula sa sektor ng senior citizens, persons with disabilities (PWDs), solo parents, kabataan represented by SK Chair. Vince Vicentuan at mga environmental advocates gaya ng grupong Kilos Luntiang Kamuning (KLK).

Tinalakay sa pagpupulong ang iba’t ibang programa batay sa pangangailangan at kalagayan ng bawat sektor. Nagbahagi ang bawat grupo ng
kanilang mga suhestiyon, pananaw, at mga programang nais maisakatuparan para sa kapakanan ng kanilang sektor.

Ang naturang aktibidad ay isang hakbangin tungo sa mas matibay na kolaborasyon sa pagitan ng akademya, lokal na pamahalaan, at komunidad—isang mahalagang pagkilos upang masiguro na ang mga programang ipapatupad ay tunay na tumutugon sa pangangailangan ng bawat mamamayan.

Salamat SPUQC sa pagpili sa Barangay Kamuning upang inyong maging katuwang sa mga makabuluhang programang na makakatulong sa aming komunidad.